connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Epekto ng Climate change tinalakay sa environment summit
By Angela J. Banuelos
posted 7-Dec-2011  ·  
0 comments
Nagdaos kamakailan ang city environment and natural resources office (CENRO) ng environment summit na dinaluhan ng mga kinatawan ng mga business establishments, eskuwelahan at mga ospital sa lungsod.

Tinalakay sa pagtitipon ang climate change impact, local government unit action plans and emerging policies, green architecture at implementasyon ng e-code ng Batangas City.

Isa sa mga naging panauhin ay si Danilo Villas, presidente ng Philippine League of Local Environment and Natural Resources Officers. Bilang city ENRO ng Makati City, tinalakay niya ang mga pinakainam na paraan ng kanilang lungsod upang maibsan ang epekto ng Climate Change.

Kabilang sa mga paraan na ito ay proper solid waste management, energy efficiency at urban greening. Binanggit niya ang waste reduction program ng Makati City kung saan ito ay nakatipid ng halos P1 bilyon mula 2002-2009 at ang economic contribution o earnings ng programa na nagkakahalaga ng P2.8 million noong 2006.

Bukod sa energy efficient lighting system at efficient water consumption kung saan sila ay mayroong rainwater harvesting bilang pandilig ng halaman, binanggit din niya ang ‘Tigil Buga’ bilang kampanya laban sa smoke belching.

Nagsalita rin si Engr. Marita Sobremisana ng UP Los Banos tungkol sa greenhouse gas accounting at si Engr. Voltaire Acosta, National Solid Waste Management Adviser, GIZ AHT solid waste management for LGUs. Tinalakay ni Voltaire ang materials recovery facility operation, occupational health and safety regulations at recycling technologies and facilities.

Samantala, ang implementasyon ng Batangas City e-code ay tinalakay naman ni City Environment and Natural Resources Officer Oliver Gonzales.

Payo ng mga panauhin, huwag mag aksaya sa paggamit ng kuryente at tubig at maglakad o mag bisikleta upang makatulong sa pagbawas ng carbon dioxide emission na nagdudulot ng global warming. Mahalaga din anilang gawing pang araw araw na buhay ang pag reduce, re use at re cycle upang mabawasan ang basura. (Angela J. Banuelos, PIO Batangas City/PIA-Batangas)

0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
2,488
views
share
like
posted
7-Dec-2011
ugnayan © 2014
online: 
31 visitors