connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: 'Adopt-a-tree' program inilunsad ng Batangas Parole and Probation Office
By Mamerta P. De Castro
posted 17-Aug-2012  ·  
0 comments
Inilunsad ng Batangas City Parole at Probation Office ang proyektong “Adopt-a-tree” kamakailan bilang pakikiisa sa programang pangkapaligiran ng pamahalaang lungsod.

Sinabi ni City Parole and Probation Officer Archi Gache na nagtanim sila ng 30 puno ng acacia sa kahabaan ng Diversion Road kasama ang 14 na probationers at 28 parolees.

Nais umano nilang tumulong sa pangangalaga ng kapaligiran upang ang mga punong itinanim nila ay makatulong sa lungsod upang maiwasan ang sobrang init na nararamdaman at ang pagbaha.

Nakiisa rin sa gawain ang Batangas City Police Station sa pakikipagtulungan ng City Environment Natural Resources Office at Office of the City Veterinary and Agricultural Services.

Isa ang pagtatanim ng puno sa pangunahing programa ng administrasyong Aquino sa ilalim ng National Greening Program. Isa itong paraan upang magkaroon ng kamalayan ang mga mamamayan na pangalagaan ang kalikasan lalo na ang mga puno na tumutulong sa pagpigil ng pagbaha o pagguho ng lupa. (Liza Perez Delos Reyes, PIO- Batangas City/CPG/MPDC,PIA Batangas)
0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
113
views
share
like
posted
17-Aug-2012
ugnayan © 2013
online: 
25 visitors