connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Greenhouse gas inventory sa lungsod ng Batangas inilahad
By Mamerta P. De Castro
posted 17-Aug-2012  ·  
0 comments
Binubuo na ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang City Climate Action Plan nito upang mabawasan ang greenhouse gas emission sa lungsod.

Ito ay matapos matukoy ang Batangas bilang pilot city ng United States Agency for International Development (USAID) Climate Change and Clean Energy (CEnergy) Project para sa Greenhouse Gas (GHG) inventory and accounting.

Binigyan ng USAID ng technical assistance ang lungsod para sa pagsasagawa ng GHG emission survey na kailangan sa pagbabalangkas ng City Climate Action Plan.

Isa ang Batangas City sa mga nangungunang local government units na nakapagsagawa na ng inventory ng GHG emission sa entity o government level at sa community level na magiging baseline data para sa GHG Management Plan at City Climate Change Action Plan.

Ito ay isinagawa ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine League of Local Environment and Natural Resources Officers Inc. at USAID.

Samantala, bumuo si Mayor Vilma Abaya Dimacuha ng City Climate Change Action Plan Committee at Greenhouse Gas Management Team noong Hulyo 11 sa pamamagitan ng Executive Order 21.

Nagpulong ang mga komite noong ika-3 ng Agosto kung saan ipinaliwanag ng hepe ng CENRO na si Oliver Gonzales ang resulta ng GHG emission survey sa Batangas City base sa 2010 survey.

Lumabas sa resulta ng GHG emission survey sa community level ng Batangas City noong 2010 na consumption-based, na ang GHG emission mula sa electricity consumption ng mga tao ang pinakamataas sa 43%; kasunod ang sa agrikultural, 33%; transportasyon, 13%, waste, 11% habang zero naman ang stationary combustion kagaya ng paggamit ng liquefied petroleum gas, kerosene at kahoy na panggatong.

Dagdag pa niya na sa kabuuan ay malinis pa rin ang kalidad ng hangin sa lungsod base sa reading ng pollution level sa iba’t ibang lugar na may traffic congestion.

Ipinahayag naman ni Divina Chingcuenco ng USAID CEnergy ang kaniyang pagkatuwa na isa ang Batangas City sa dalawang local government units na agad nakatapos sa paggawa ng GHG emission survey. (Angie J. Banuelos-PIO, Batangas City/CPG/MPDC, PIA Batangas)
0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
104
views
share
like
posted
17-Aug-2012
ugnayan © 2013
online: 
26 visitors