connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: 183 proyektong imprastraktura, naisakatuparan sa lungsod ng Batangas
By Mamerta P. De Castro
posted 5-Oct-2012  ·  
0 comments
Umabot na sa 183 ang proyektong pang-imprastruktura na nagkakahalaga ng P458.6 milyon ang naipatupad sa lungsod ng Batangas ngayong taon.

Ito ay iniulat ng City Planning and Development Office sa isinagawang full council meeting ng City Development Council.

Isa sa mga pinakamalaking proyekto ay ang konstruksyon ng Batangas City Convention Center na nagkakahalaga ng P82 milyon at ang on-going construction ng P19.5-milyon city slaughter house.

Kabilang din sa mga malalaking proyekto ang konstruksyon ng P26.9-milyon city sanitary landfill project/closure of controlled dumpsite sa San Jose Sico; pagsasaayos at pagpapailaw ng San Jose Sico Sanitary Landfill/Materials Recovery Facility; site development ng San Isidro City government housing project; pagsasaayos ng Teachers Conference Center; Mabini Building Green/Retrofitting Project; konstruksyon ng channelized intersection (Lawas) at evacuation center sa Alangilan.

Ang iba pang mga proyekto ay ang pagpapasimento ng 61 barangay roads, konstruksyon ng 19 na gusaling pampaaralan, 11 barangay waterworks system, 21 flood control/seawall/river control/riprap projects, walong drainage systems, 12 barangay multi-purpose buildings, pitong barangay multi-purpose covered court, siyam na day care buildings, 12 administrative buildings/facilities at apat na tulay. Nagsagawa rin ng rehabilitasyon ng basketball court at pagpapaayos ng pamilihang bayan.

Ang lahat ng mga proyektong ito ay batay sa panawagan ng administrasyong Aquino na makapagbigay ng maayos na mga pasilidad, daan, tulay at iba pang kinakailangan upang mapagaan ang pamumuhay ng mga mamamayan, sabi ni Engr. Januario Godoy.

Ito rin ang pagpapakita ng lokal na pamahalaan ng karampatang serbisyo para sa kanilang mga nasasakupan. (Angela J. Banuelos, PIO Batangas City/CPG/MPD-PIA4B Batangas)
0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
714
views
share
like
posted
5-Oct-2012
ugnayan © 2018
online: 
19 visitors