connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: 8 karapatan ng mamimili, tinalakay
By Bhaby Mamerta Perea-De Castro
posted 25-Oct-2011  ·  
0 comments

Tinalakay sa isinagawang consumer empowerment seminar ang walong pangunahing karapatan ng mga mamimili na pinangunahan ni Rannie Guce, chief-Business Regulation and Consumer Welfare Division ng Department of Trade Industry (DTI) - Batangas.

Ayon kay Guce, isa sa pangangailangan ng mga kunsumidores ay ang karapatan sa pangunahing pangangailangan kayat nararapatan na alamin ng mamimili kung ano ang kanyang mga prayoridad na kailangan. Dapat din aniyang isaalang alang ang kalidad at hindi ang dami kapag bibili ng isang produkto o bagay at bigyang-diin hindi kung anong tatak o klase ng bibilhin kundi kung gaano ito katibay.

Pinaaalalahanan din nito ang mga kunsumidores na huwag magsagawa ng panic buying sapagkat hindi ito nakakabuti lalo na kapag naubos ang stock sa mga merkado. Aniya, dapat ding isaalang alang na ang pagmahal ng isang produkto ay hindi basehan ng pagiging pinakamaayos nito.

Isa pang karapatan ang pagkakaroon ng kaligtasan kung saan napoprotektahan ang mamimili ukol sa mga produkto na maaring magduilot ng di magandang epekto sa kalusugan at buhay kungkaya't kinakailangan na maging maingat sa pagbili at laging tingnan ang mga tamanfg impormasyon na nakapaloob sa isang produkto.

Karapatan din ang pagkakaroon ng tamang impormasyon lalao na ang karapatan upang maiwasan ang mga fraudulent o misleading na impormasyon. Nararapat lamang na tamang impormasyon ang isinasaad ng isang produkto at ilan sa paraan dito ay ang pagbasa ng label ng produkto,paggamit ng buying guides o mga pahayagan para sa dagdag n a impormasyon at kung may katanungan maaari ding sumulat sa mga kumpanya upang makuha ang impormasyong kinakailangan.

Dagdag pa ni Guce na isa ring karapatan ang pagpili sapagkat lahat ng mamimili ay may karapatang piliin ang gustong bilhin. Isang malinaw na halimbawa sa palengke, ang pagkakaroon ng "suki" kung saan nabuo ang tiwala na ang produktong ibibigay ay maayos at walang problema. Kung sakalaing makakaranas naman ang mga kunsumidores ng hindi maayos na produkto ay maaari nilang kausapin ang may-ari ng tindahan o an manufacturer nito para sa kanilang reklamo.

Ang karapatan sa pagkakaroon ng represenmtasyon ay mahalaga din sapagkat dito ay nakakapaggawa ng batas o legislation ang mga nakaupong opisyal upang masiguro na makukuha ng publiko ang nararapat na produkto batay sa kanilang pamantayan.

Binigyang-diin din ni Guce na may karapatan ang bawat mamimili na palitan o mag-refund sa kanilang mga produkto lalo na kapag ito ay napatunayang depektibo at hindi ligtas para sa tao.

Isang binibigyang pansin din sa kasalukuyan ang karapatan sa consumer education kung saan nagkakaroon ng tamang kaalaman ang publiko sa pamamagitan ng information campaign na isinasagawa ng mga business,government at consumer sectors kung saan may mga training,seminars at forum ang ginanap upang maipaalam ang karapatan ng mga kunsumidores.

Ikawalong karapatan ang pagkakaroon ng malusog na kapaligiran kung saan ang pamahalaan ay nararapat magpatupad ng kaukulang batas lalo na kapag ito ay nakakaapwekto sa kapaligiran at magdudulot ng pagkasira ng buhay at kabuhayan ng mga tao.

Kaugnay naman nito, may limang pananagutan ang mamimili tulad ng mapanuring kamalayan, pagkilos, pagmamalasakit sa lipunan, kamalayan sa kapaligiran at pagkakaisa. Ayon kay Guce, ito ang mga bagay na nararapat na taglayin ng isang mamimili upang hindi siya maloko. (MPDC, PIA-Batangas)

0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
2,821
views
share
like
posted
25-Oct-2011
ugnayan © 2014
online: 
34 visitors