connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Pamahalaang Panglungsod ng Malolos nagsagawa ng ikalawang Lakbay Sanay sa Kasaysayan
By Vinson F. Concepcion
posted 2-Aug-2012  ·  
0 comments
Isinagawa ng pamahalaang panglungsod ng Malolos ang ikalawang yugto ng Lakbay Sanay sa Kasaysayan para sa mga mag-aaral sa pangunahing kolehiyo sa lungsod upang magbigay ng mas malawak na kaalaman ukol sa turismo at humubog ng isang mahusay na indibidual bilang “tour guide”.

Ginawa ang kasanayan bilang ambag sa pag-angat ng turismo at tulong sa paglago ng ekonomiya ng lalawigan sa tulong ng iba't ibang tanggapan sa turismo, sining, kultura at palakasan.

Ang nasabing pagsasanay ay dinaluhan ng may 138 mag-aaral na kumukuha ng kursong turismo sa Bulacan State University, La Consolacion University-Philippines at Centro Escolar University, pawang nasa lungsod na ito.

Nauna nang nagkaroon ng pagsasanay noong nakaraang summer kung saan may 42 mag-aaral ang nagsidalo.

Ang mga mag-aaral ay sinanay bilang mga tour guides at pinag- aaralan ang kasaysayan ng Lungsod ng Malolos lalo na ang mga tanyag na lugar kagaya ng simbahan ng Barasoain kung saan dito pinasinayaan ang unang Republika ng Pilipinas, Malolos Cathedral na unang Malakanyang noon at ang ilang mga ancestral houses na matatagpuan sa syudad.

Ang tour guiding seminar ay tatagal hanggang Agosto 19 kung saan gaganapin ang kanilang pagtatapos o graduation sa Pamahalang Lungsod ng Malolos. (WLB/VFC PIA-3)
0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
311
views
share
like
posted
2-Aug-2012
ugnayan © 2014
online: 
33 visitors