connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog News: Paggamit ng organikong pataba, isinulong ng DA
By Reyjun O. Villamonte, Jr.
posted 22-Feb-2012  ·  
0 comments

Isinulong ng Department of Agriculture Regional Field Unit 5 (DA-RFU5) at Office of the Provincial Agriculturist ang paggamit ng organikong pataba sa isang araw na Consumer Awareness Seminar for Organic Agriculture sa mga benepisaryo ng Barangay Food Terminals, mga opisyal at miyembro ng 4-H Club, Rural Improvement Club, kooperatiba at akademya dito.

Tinalakay ni Provincial Coordinator on Organic Farming Malyn C. Puato, Supervising Agriculturist ang RA 10068 o Organic Agriculture Act of 2010, ito ay patakaran ng estado na isulong, palaganapin at paunlarin ang pagpapatupad ng paggamit ng organikong agrikultura.

Layunin nito na mapayaman ang mga lupaing tinataniman upang magkaroon ng masaganang ani, mabawasan ang polusyon at maiwasan ang pagkasira ng kapaligiran at maproteksiyunan ang kalusugan ng mga magsasaka at ang publiko at makatipid sa paggamit ng mga inangkat na gamit sa pagsasaka.

Ipinahayag ni President Rosalina Tan ng Organik Bicol Advocateurs Network ang kahalagahan ng organikong pagsasaka at pagpapaunlad ng produkto. Ayon sa kanya, kailangang magsama-sama ang mga magsasaka upang maipon ang mga produkto mula sa kanilang mga tanim at isagawa ang pamamaraan ng organikong agrikultura.

Sinabi naman ni Food Developer at Nutritionist Norita Badong ng Diet Secret na ito ay isang pagkakataong piliin ang organikong pagsasaka. Ang mga produktong ito, aniya, ay mataas ang nutrisyon na nakakabuti sa kalusugan at katawan ng tao. Malaki rin daw itong oportunidad sa paghahanapbuhay ng marami.

Ang DA ang naatasan na pangunahan ang paggawa at pagpapatupad ng komprehensibong programa para sa promosyon ng community-based organic fertilizers gaya ng compost, pestisidyo at iba pang farm inputs, kasama na ang educational at promotional campaigns sa buong bansa para sa paggamit at pagproseso, ganundin ang paggamit ng organic agriculture system bilang praktikal na alternatibo. (MAL/RBM/ROV-PIA5 Camarines Norte)

0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
455
views
share
like
posted
22-Feb-2012
ugnayan © 2014
online: 
22 visitors