connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Mga produkto sa Calabarzon, mabibili sa exhibit ng DTI-BDT sa Makati
By Carlo P. Gonzaga
posted 21-Jan-2012  ·  
0 comments
Tinaguriang Calabarzon mini exhibit, ang mga produkto mula sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na mabibili ng publiko sa Bureau of Domestic Trade showroom, ground floor, trade and industry building, 361 Sen. Gil Puyat Avenue sa Makati.

Ang mini-exhibit ng mga produktong binansagang ‘Calabarzon’s pride’ ay magkatuwang na isinasagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) IV-A, Bureau of Domestic Trade (DTI-BDT) at ng Rizal Exporters and Manufactureers Association, Inc.(REMAI).

Espesyal na tampok sa exhibit ang pagdiriwang sa bawat lalawigan bilang buwanang tema tulad ng: Pahimis Festival sa Cavite ngayong Pebrero; La Laguna Festival sa Marso; Batangas Alah, Eh! Festival sa Abril; Pahiyas ng Quezon sa Mayo at sa Hunyo, tampok ang Higantes Festival ng Rizal.

Binuksan noong Enero 16 at matatapos hanggang Hunyo 30, mabibili sa eksibit ang mga produktong pagkain katulad ng banana chips, muscovado sugar, coffee, choco-coated polvoron, crispy squid rings, dried mussels, organic and natural food; health, wellness and beauty products; arts and crafts; at mga footwear, bags at novelty items na gawa sa water lily.

Samantala, maliban sa mga serbisyo at iba pang tulong para sa kaunlaran ng mga negosyo, ang DTI ay patuloy na nagkakaloob ng marketing assistance sa mga micro, small at medium enterprises sa pamamagitan ng pag-organisa ng mga trade fairs at eksibit.

Sa ganitong paraaan, mas maraming mamimili ang makakakita ng mga produkto at mapapalawak ang merkado na magbubunga ng mas mataas na kikitain at makapaglilikha ng mga hanapbuhay lalong-lalo na sa mga kanayunan. (Carlo P. Gonzaga, PIA-4A at ulat mula sa DTI-Calabarzon)

0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
951
views
share
like
posted
21-Jan-2012
ugnayan © 2014
online: 
35 visitors