connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Museo ng San Pablo, binuksan na sa publiko
By Norida D. Sumilang
posted 13-Aug-2011  ·  
0 comments
Ang Pamahalaang Lungsod ng San Pablo sa ilalim ng SPC Tourism Council sa pamumuno ni Lerma Prudente ay pormal ng binuksan kamakailan ang Museo ng San Pablo na matatagpuan sa 3rd at 4th Flr. ng old Capitol bldg.

Sa isang simpleng programa, dumalo sa okasyon ang mga pinuno at kawani ng pamahalaan lungsod, mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod, NGO, miyembro ng lokal na mamamahayag, patrons at donors ng museo, mag-aaral at Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo (DLSP) Chorale sa pagbibigay ng natatanging bilang.

Ang Museo ay nagsisilbing showcase ng kasaysayan ng lunsod kung saan makikita ang mga lumang kasuotan, larawan ng mga taong naging bahagi ng kasaysayan, mga kagamitan noong unang panahon, iba pang artifacts at heirlooms na minana pa ng taga-lunsod sa kanilang mga ninuno.

Mababasa rin dito ang mga alamat o pinagmulan ng 80 barangay ng lunsod, makikita rin ang mga larawan, paintings at illustration ng alamat ng Pitong Lawa.

Samantala, nagpapasalamat ang Punong Lunsod Vicente Amante sa lahat na maisakatuparan ang proyekto, lalo't higit sa Cultural Society of San Pablo, SPC Tourism Council at Tourism Office sa pagsusumikap at pagtutulungan upang maging matagumpay ang pagbubukas ng museo at sa muling pagpapakita at pagsasabuhay ng kasayssayan ng Lunsod ng San Pablo. (Norida D. Sumilang, PIA-Calabarzon/CIO-San Pablo)

0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
421
views
share
like
posted
13-Aug-2011
ugnayan © 2014
online: 
25 visitors