connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Klase sa ilang mga paaralan sa Cotabato City suspendido dahil sa patuloy na pag-ulan
By Shahana Joy E. Duerme
posted 12-Aug-2012  ·  
0 comments
Pansamantalang itinigil ngayong araw ang klase sa ilang mga pampubliko at pribadong mga paaralan sa Cotabato City bunsod ng walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ilan sa mga paaralang isinara ay ang kindergarten at elementary departments ng Notre Dame University-Elementary Training Department (NDU-ETD), Dela Vida High School at Kutawato Darusalam College Inc.

Ang pagsuspinde sa klase ay kinumpirma ni Department of Education (DepED)-City Schools Division spokesperson Johny Balawag kung saan nilinaw nitong ngayong araw lamang ang walang pasok.

Ani Balawag, sakaling magpapatuloy ang pag-ulan sa lugar, magpapalabas ang kanilang kagawaran ng panibagong deklarasyon.

Matatandaang ilang linggo nang hinahagupit ng malakas at patuloy na pag-ulan ang naturang lungsod at mga kalapit na mga lalawigan dahil sa active low pressure area na ngayon ay ganap nang naging bagyo na may pangalang “Helen”. (SJDuerme-PIA12)
0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
119
views
share
like
posted
12-Aug-2012
ugnayan © 2013
online: 
25 visitors