connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Karahasan sa paaralan pagtutuunan ng pansin - Luistro
By Lucia F. Broño
posted 15-Sep-2011  ·  
0 comments

Isang comprehensive child protection policy ang ipalalabas ng Department of Education upang mapangalagaan ang mga mag-aaral sa mga pang-aabuso, eksploytasyon, diskriminasyon, bullying, at lahat ng klaseng karahasan sa loob ng mga paaralan.

Ipinaaalala ni Department of Education (DepEd) Secretary Armin Luistro sa mga namamahala at mga personnel ng iba’t ibang paaralan na ang corporal punishment at anumang uri ng karahasan ay hindi pinapayagan sa mga paaralan maging bata o matanda ang may gawa nito.

Sinabi ni Secretary Luistro, “Muli naming inuulit na sinumang mapapatunayang gumawa ng karahasan sa mga bata ay lumalabag sa probisyon ng Batas Pambansa 232 at maaaring mabigyan ng kaparusahan kasama na ang pagkatanggal sa serbisyo.”

“Upang lalong mapaigting ang kampanya laban sa karahasan sa mga paaralan, kasalukuyan kaming nakikipagkonsultasyon sa mga guro at iba pang stakeholders upang makabuo ng isang komprehensibong polisiya na mangangalaga sa kapakanan ng mga bata,” dagdag ni Luistro.

Aniya pa, “ Kailangan ang agarang aksyon laban sa mga karahasan sa loob ng paaralan dahil ito ay isang seryosong bagay na nararapat mabigyan ng agarang solusyon dahil maaaring maapektuhan ang kinabukasan ng bata.”

Ang comprehensive child protection policy ay sumasaklaw sa mga pamamaraan upang maiwasan ang anumang uri ng karahasan, mga proseso na dapat gawin sakaling may nagkasala, mga tuntunin na dapat sundin at kasama na rin ang referral sa ibang sangay o ahensiya ng pamahalaan.

Matatandaang nagpalabas ng memorandum ang DepEd noong 2006, ang DepEd Memo 297 Prohibiting Acts Constituting Violations of RA 7610 o ang “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act at ang Family Code na nagbibigay limitasyon sa substitute parental authority na ginagawa ng ibang otoridad ng DepEd.

Samantala, nananawagan naman ang DepEd sa mga magulang na tumulong sa kampanya laban sa karahasan dahil malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa loob at labas ng kanilang pamamahay sa pagpapausbong ng magandang pag-uugali ng mga bata. (PIA-NCR/RJB/LFB)

0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
5,762
views
share
like
posted
15-Sep-2011
ugnayan © 2014
online: 
32 visitors