connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Consumer Quiz Bee tampok sa pagdiriwang ng Consumer Welfare Month
By Mark C. Maliksi
posted 13-Oct-2011  ·  
0 comments
Naghandog ng seminars ang Department of Trade and Industry (DTI) bilang bahagi ng Consumer Education Program at ng taunang pagdiriwang ng Consumer Welfare sa buwan ng Oktubre na ginanap sa Divine Word College of Calapan (DWCC), ABC Hall, Calapan City noong ika-10 at ika-16 ng Setyembre, 2011.

Ang nasabing seminar ay dinaluhan ng 58 mag-aaral ng DWCC at 60 kasapi ng Federation of Calapan City Associations of Senior Citizens.

Ang pagtitipon ay naglalayong iaangat ang antas ng kamalayan ng mga mamimili ukol sa kanilang mga karapatan at pananagutan at pagbibigay impormasyon sa tamang pamimili at paggamit ng mga pangunahing bilihin.

Ipinaliwanag din ng DTI ang kanilang mga programa at serbisyong ipinagkakaloob sa pagtataguyod ng “consumer vigilance” at “pro-active redress mechanism."

Samantala, ilulunsad ng DTI ang 2011 Consumer Quiz Bee sa temang “AGRI-PINOY: SAPAT, LIGTAS AT ABOT-KAYANG PAGKAIN PARA SA LAHAT” sa Jose J. Leido, Jr. Memorial National High School, Calapan City ngayong ika-13 ng Oktubre, 2011 at dadaluhan ng 36 na mag-aaral mula sa private at public high schools sa lalawigan ng Silangang Mindoro.

Ang mga pangunahing mananalo mula sa Provincial at City Division ng DepEd na tatanggap ng cash at medalya ng karangalan ang siyang kakatawan sa lalawigan ng Silangang Mindoro sa gaganaping Regional Consumer Quiz Bee sa Tiara Hotel, Makati City sa ika-21 ng Oktubre, 2011. (DTI/Mark C. Maliksi/PIA-4B)

0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
602
views
share
like
posted
13-Oct-2011
ugnayan © 2014
online: 
66 visitors