connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog News: Computerization program ng pamahalaang panlalawigan, patuloy na ipinatutupad
By Ruel M. Orinday
posted 20-Dec-2011  ·  
0 comments

Inihayag dito ni Quezon Governor David Suarez na patuloy ang kanyang suporta sa mga taga-Department of Education (DedEd) sa pamamagitan ng computer program ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon.

Ang pahayag ay binanggit ni Gov. Suarez sa idinaos na ‘teachers and employees convention’ ng DepEd Lucena City sa Quezon Convention center noong Disyembre 20, 2011 na dinaluhan ng mga guro at iba pang kawani ng Department of Education (DedEd), Lucena City.

Ayon pa sa gobernador, may dalawa nang public school sa lalawigan ng Quezon ang natulungan na ng programa sa pamamagitan ng pagtatayo ng buiding at paglalagay ng mga computer set.

Sa Gulang-Gulang elementary school na may high school ay mayroon na aniyang gusali na naitayo at nakatakda nang i-deliver ang mga computer set sa unang linggo ng Enero 2012 na gagamitin ng mga mag-aaral.

Isa sa mga layunin ng computer program na maging computer literate ang mga batang mag-aaral sa murang edad pa lamang. Ito ay bilang paghahanda rin sa trabahong papasukan ng mag-aaral kapag nakatapos na ng pag-aaral.

Samantala, target din ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa ilalim ng programa na mabigyan ng mga gusali at computer set ang lahat ng mga mataas na paaralan o public high school sa lalawigan ng Quezon. (RMO, PIA-Quezon)

0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
277
views
share
like
posted
20-Dec-2011
ugnayan © 2014
online: 
22 visitors