connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Philhealth coverage ng 15,000 mahihirap na residente, sasagutin ng South Cotabato LGU
By Aida C. Agad
posted 17-Feb-2012  ·  
0 comments

Ipinangako ni South Cotabato governor Arthur Y. Pingoy Jr. ang paglaan ng karampatang pondo para sagutin ang Philhealth coverage ng mahigit 15,000 mga mahihirap na South Cotabatenos para sa taong kasalukuyan.

Ito ay bahagi ng pinalawak na programa ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) at ng pamahalaang lokal na naglalayong makatulong sa mga mahihirap na residente sa panahong ang mga ito ay nagkakasakit at kailangang lapatan ng lunas sa mga ospital.

Ayon sa ulat mula sa tanggapan ng gobernador, nailaan na umano ang pondong P8.16 milyon para sa inisyal na 13,608 na mga mahihirap na pamilya at ang nalalabing 1,392 na benepisyaryo ay kasama sa popondohan sa supplemental budget.

Ang paglalaan ng pondo ng South Cotabato para sa mga “sponsored Philhealth cards” para sa mga mahihirap ay naglalayon ding makatulong sa kanilang mga bayarin sa ospital sa panahong ang miyembro ng pamilya ay nagkasakit.

Noong nakaraang taon, umabot din umano sa P9.49 milyon ang ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan para sa sponsored health coverage para sa mahigit 16,823 na mahihirap na mga residente. (ac agad PIA12)

0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
126
views
share
like
posted
17-Feb-2012
ugnayan © 2013
online: 
29 visitors