connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Service areas ng Cotelco, posibleng makaranas muli ng 30 minutong power interruption
By Shahana Joy E. Duerme
posted 10-Aug-2012  ·  
0 comments
Posibleng makaramdam na naman ng mahigit sa 30 minutong power interruption sa mga lugar na binibigyan ng suplay ng kuryente Cotabato Electric Cooperative (Cotelco) sa mga susunod na araw.

Ito ay ayon kay Cotelco Spokesperson Vincent Lore Bagiuo makaraang bumaba ang power generation ng Pulangi 4 hydroelectric power plant.

Nabatid na mula sa 250MW, ngayon ay aabot na lamang sa 80MW ang sinusuplay ng planta dahil na rin sa mababang water reservoir nito.

Sa ipinalabas na kalatas ng nabanggit na kooperatiba, ang feeder 12 na nagsisimula sa kaliwang bahagi ng national highway papuntang Cotabato City, kasama na rin ang mga bayan ng Carmen, Banisilan at Kabacan ay makararanas ng pagkawala ng kuryente mula alas-dose y media ng tanghali hanggang ala-una ng hapon at ala-sais y media ng gabi hanggang ala-siete ng gabi.

Samantala, ang mga service areas naman sa feeder 11 ay mawawalan ng kuryente mula alas-onse y media ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali at ala-seite y media ng gabi hanggang alas-otso ng gabi.

Ang Cotelco ang siyang nagsusuplay ng kuryente sa 11 mga bayan at isang lungsod sa lalawigan ng Cotabato. (DED/SJD-PIA12, RBeñez-DXVL)
0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
134
views
share
like
posted
10-Aug-2012
ugnayan © 2013
online: 
1 connected users and 27 visitors