connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Automatic Weather Station itatayo sa loob ng kapitolyo ng South Cotabato
By Danilo E. Doguiles
posted 10-Aug-2012  ·  
0 comments
Isang Automatic Weather Station (AWS) na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P2 milyon ang itinatayo ngayon sa loob ng provincial capitol compound sa South Cotabato.

Ayon kay John Lorca, disaster response coordinator ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang weather station ay bigay ng Weather Philippines Foundation (WPF) na social responsibility arm ng Aboitiz Power kasama ang Meteo Philippines at Unionbank of the Philippines.

Ang AWS na planong ilagay sa itaas ng gusali ng finance division sa kapitolyo ay may kakayahang kumalap ng atmospheric at meteorological data tulad ng lakas ng buhos ng ulan, lakas at direksyon ng hangin, humidity at temperatura.

Ipadadala ang mga nakukuhang datos sa server ng WPF sa Maynila at ia-upload sa kanilang website para makita ng sinumang nagnanais malaman ang kondisyon ng panahon sa lungsod ng Koronadal at kalapit na lugar sa South Cotabato.

Maliban sa “real-time weather reading” pinaka pakikinabangan ng lalawigan ang naturang pasilidad, sa pagkalap ng datos sa taya ng panahon sa lalawigan sa loob ng tatlo hanggang limang araw na lubhang makatutulong upang maihanda ang mga mamamayang madadaanan ng masamang panahon. (DED-PIA 12)
0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
94
views
share
like
posted
10-Aug-2012
ugnayan © 2013
online: 
22 visitors