connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: PhilHealth, LGU GenSan pinaigting ang kampanya laban sa pamemeke ng claims
By Danilo E. Doguiles
posted 17-Aug-2012  ·  
0 comments
Sinimulan ng PhilHealth 12 at lokal na pamahalaan ng General Santos kamakailan ang kampanya laban sa pamemeke ng health care claims sa PhilHealth, partikular na sa mga sponsored program members.

Ayon sa PhilHealth 12, isinasagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng larawan ng pamilya kasama ang kwalipikadong dependent sa mismong Member Data Record (MDR) ng miyembro na ang kontribusyon ay binabayaran ng mga lokal na pamahalaan at iba pang sponsor agency.

Kamakailan, 712 na benepisyaryo ng sponsored program na kinilala sa pamamagitan ng National Household Targeting System-Poverty Reduction (NHTS-PR) ang nagtipon sa Barangay San Jose, Gensan.

Kasama nila ang kanilang mga kabiyak at mga anak na kwalipikado sa Philhealth benefits upang makunan ng larawan para maiimprenta sa kanilang MDR.

Sa ganitong hakbang, ayon kay PhilHealth 12 Field Operations Division Chief Dr. Miriam Grace G. Pamonag, mabibigyang mukha ang mga kwalipikadong benepisyaryong at maiiwasang magamit ang MDR para sa ibang miyembro ng pamilya na hindi sakop sa PhilHealth claims.

Para maiba sa ibang dokumento, iniimprenta ang bagong MDR sa A4 size yellow paper. Sa ibaba nito nakasulat ang paalalang: “Ako ay miyembro ng PhilHealth na may benepisyong pangkalusugan. Sakop ng aking benepisyo ang aking asawa, mga anak na may edad 20 taon pababa at magulang na may edad 60 taon pataas. Wala kaming babayaran sa mga pangunahing operasyon at karamdaman kung magpapa-confine kami sa ward ng mga pampublikong ospital. Sagot ng PhilHealth ang konsultasyon, laboratory at ilan pang serbisyo ng aking pamilya mula sa aming health center. Kailangan ko lamang ipakita ang aking Health Insurance Card o Member Data Record kapag gagamit ng benepisyo.” (DED-PIA 12)
0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
106
views
share
like
posted
17-Aug-2012
ugnayan © 2013
online: 
32 visitors