connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: DOST-12 namahagi ng mga OL trap laban sa dengue sa North Cotabato
By Danilo E. Doguiles
posted 17-Aug-2012  ·  
0 comments
Abot sa 11,270 na ovicidal-larvicidal (OL ) traps ang naipamahagi ng Department of Science and Technology (DOST-12) sa mga pampublikong paaralan sa North Cotabato kaugnay ng patuloy na kampanya laban sa sakit na dengue.

Umabot sa 1,454 na OL trap kits ang ipinagkaloob sa mga paaralan sa Kidapawan City samantalang 9,816 ang naipamahagi sa 17 munisipyo ng lalawigan.

Sa kabuuan, 5,600 na silid-aralan sa lalawigan ang nabigyan ng tigalawang OL trap kit.

Ang OL trap ay napatunayang mabisang panlaban sa pagdami ng lamok, kabilang na ang Aedes aegypti na may dala ng dengue virus.

Sabi ni DOST-12 Regional Director Dr. Zenaida Laidan, ang pamamahagi ng OL traps ay bahagi ng kanilang kampanya kasama ang Department of Education para sa pagpigil ng sakit na dengue lalo na sa mga kabataan na kalimitang naaapektuhan ng naturang sakit.

Sa huling ulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng Department of Health (DOH-12), mayroon nang 2,372 na kaso ng dengue sa buong Soccsksargen Region, 991 o halos 42 porsiyento dito ay sa North Cotabato.

Batay pa rin sa ulat, ang bilang ng nagkakasakit ng dengue sa naturang lalalawigan ay 74 na porsiyento na mas marami kung ikukumpara sa sa bilang ng kaso ng dengue ng kaparehong panahon noong nakalipas na taon. (DED-PIA12)
0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
192
views
share
like
posted
17-Aug-2012
ugnayan © 2013
online: 
1 connected users and 38 visitors