PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman,  
Official website: http://www.pia.gov.ph/
1 viewer like Philippine Information Agency
connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Kalinisan sa kapaligiran, mahalaga upang maiwasan ang Chikungunya disease
By Danilo E. Doguiles
posted 5-Jul-2013  ·  
0 comments
Katulad ng sakit na dengue, mahalaga rin ang kalinisan sa paligid at pagtatapon o paglilinis ng natitipong tubig para maiwasan ang pagkakasakit ng Chikungunya.

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Rogelio Aturdido Jr., provincial health officer ng South Cotabato na ang lamok na nangingitlog sa malinis at di umaagos na tubig ang sanhi ng Chikungunya, pinaka-epektibo pa ring paraan sa sa pagsugpo ng sakit ang pagkakaisa ng kumunidad para hanapin at linisin ang mga lugar na maaaring pagmulan ng sakit.

Kinumpirma rin ng opisyal na batay sa resulta ng pagpupulong ng Municipal Health Board sa Tampakan noong Miyerkules, umabot sa 215 ang kaso ng Chikungunya sa nasabing bayan.

Siyamnapu’t isang porsiyento sa kaso ay natukoy mula sa Barangay Kipalbig, samantalang ang iba ay sa karatig barangay ng Maltana. May iilang kaso na rin sa Barangay Poblacion.

Nilinaw rin ng doktor na hindi katulad ng dengue, hindi nakakamatay ang sakit na Chikungunya. Gayunman maaring maghirap ang mga nagkakasakit nito ng pananakit ng mga kasu-kasuan na maaaring magtagal ng hanggang limang buwan o mahigit pa.

Dahil katulad ng dengue ang sintomas ng sakit, mahalaga rin ang agarang pagkonsulta sa doktor upang matiyak ang sakit at malapatan ng tamang lunas.

At katulad ng dengue, “supportive” lamang ang gamutan nito tulad ng gamot laban sa pananakit ng katawan at lagnat. Ipinagbabawal din ang pag-inom ng gamot na may aspirin.

Dahil “self-limiting” ang sakit na Chikugunya at dulot ng virus, mas madaling makaka-recover ang may sakit kung malakas ang kanyang immune system, paliwanag pa ni Dr. Aturdido. (DEDoguiles-PIA 12)

0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
893
views
share
like
posted
5-Jul-2013
ugnayan © 2014
online: 
30 visitors