PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman,  
Official website: http://www.pia.gov.ph/
1 viewer like Philippine Information Agency
connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Operasyon Timbangan isinagawa sa mga pamilihang bayan sa Ilocos Sur
 
VIGAN CITY, Ilocos Sur  ·  
By Imelda Castro-Rivero
posted 8-Sep-2013  ·  
0 comments

Isinagawa ang regular na Operasyon Timbangan sa mga tindahang pamayanan sa probinsiya sa pamamagitan ng ng pagkakaisa ng mga ahensiya ng gobyerno na pinangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa Operasyon Timbangan, nakikita ang mga paglabag sa wastong patakaran sa pagtitinda, tulad ng hindi wastong pagtimbang ng mga produkto. Kinukumpiska ang mga timbangang hindi wasto ang kalibre.

Ayon kay Grace Lapastora, ang hepe ng DTI Ilocos Sur, sa buwan ng Agosto naganap ang tinatawag nilang market saturation drive o pagbisita sa mga pamilihang bayan noong Agosto 20, 22 at 28. Dito naganap ang inspeksyon sa mga bayan ng San Juan, Tagudin at Magsingal.

Nagkaroon ng espesyal na pagbisita  sa bayan ng Magsingal dahil ito ay isa sa mga bayang nabaha dahil kay bagyong Maring. Nagdeklarang nasa ‘state of calamity’ ang lokal nitong gobyerno noong nakaraang lingo.

Naganap din ang inspeksyon ng presyo ng mga pangunahing bilihin, ang paglagay ng mga  ‘price tags’ sa mga gulayan, bigasan,  isdahan, karnehan, at sa groserya.

Sinisiguro ng mga pagbisitang ito sa mga pamilihang bayan ng 34 bayan at dalawang siyudad ng probinsiya na hindi lumalabag sa batas ang mga nagtitinda, at hindi pagsamantalahan ang mga bumibili sa pagtataas ng mga presyo sa panahong may kalamidad . (MCA/ICR/PIA-1/Ilocos Sur)

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2461378438342#sthash.SfYR8iYK.dpuf
0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
3,243
views
share
like
posted
8-Sep-2013
ugnayan © 2019
online: 
77 visitors