PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman,  
Official website: http://www.pia.gov.ph/
1 viewer like Philippine Information Agency
connect now
Cancel
Cancel
Cancel
TESDA hinihikayat ang pag-aral ng ibang kasanayan ng mga OFWs
 
VIGAN CITY, Ilocos Sur  ·  
By Imelda Castro-Rivero
posted 8-Sep-2013  ·  
0 comments

Hinikayat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga OFWs na magsanay ng ibang teknolohiya at kaalaman kung sila ay nakabakasyon sa Pilipinas. 

Ito ang isa sa mga mensahe ni Atty. Teodoro Pascua, ang deputy director general ng TESDA noong Technical Education and Skills Development (TESD) Ilocos Region Summit sa Vigan City Convention Center kamakailan.

Kapag nakapagsanay ng iba pang kaalaman ang mga nagbabakasyong overseas Filipino workers (OFW) at nakakuha sila ng sertipiko sa TESDA, madadagdagan na naman ang kanilang sweldo sa ibang bansa.

Dahil sa iba pa nilang talento o kasanayan, maaaring magdoble ang kanilang kinikita sa ibang bansa, ani Pascua.

Ipinaliwanag din niya na kung ilang beses magbakasyon ang mga OFW, ganon ding beses ang pagkakataon nilang magsanay ng iba pang mapagkakakitaan sa tulong ng TESDA.  

Pinarangalan ni Pascua ang gobyerno ng Vigan dahil sa pagtatayo ng Vigan Skills Training Institute kung saan nagsasanay ng libre ang mga mamamayan ng siyudad ng mga kasanayan sa teknolohiya at ibang pang pag-aaral. Regular ang mga pagsasanay na ito.

Upang malabanan ang kahirapan hinikayat din ni Pascua ang pagsisipag ng mga mamamayan. Sinabi niya na huwag gamitin ang mga oras sa panonood lang mga mga tele-nobela dahil ang oras ay maaring gamitin sa pag-unlad ng buhay, sa pagsanay ng iba’t-ibang kaalamang magiging kasangkapan sa paghahanapbuhay.

Ipinaliwang din niya ang kahalagahan ng pagbabago ng kaisipan tungkol sa kung ano ang importante sa buhay ng isang tao. Na ang marangal na trabaho ang bigyan ng importansiya, hindi ang pagkamkam ng malaking pera lang.

Kasama sa summit ay ang mga nagtapos ng Cash for Transfer Program mula sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Pangasinan, mga may-ari ng mga negosyo at paaralang pang bokasyonal sa rehiyon, mga guro at iba pang kinatawan ng iba pang grupo at sector ng komunidad. Sila ang bumubuo sa pagsasakatuparan ng mga programa ng TESDA. (MCA/ICR PIA-1 Ilocos Sur)       

- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=2461378438059#sthash.Wpm9Dz2b.dpuf
0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
2,701
views
share
like
posted
8-Sep-2013
ugnayan © 2019
online: 
20 visitors