PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman,  
Official website: http://www.pia.gov.ph/
1 viewer like Philippine Information Agency
connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Turista nagsidagsaan sa mga pook pasyalan sa rehiyon
 
PENABLANCA, Cagayan  ·  
posted 6-Apr-2012  ·  
0 comments
Libu-libong pamilya ang nagsipagdagsaan sa mga pook pasyalan sa bayang ito at iba pang parte ng lalawigan kasabay ng mahaba-habang bakasyon.

Kung sa ibang mga pamilya ay sa simbahan nagtutungo, marami ring nakakakuha ng pagkakataon para ipasyal ang kanilang mga pamilya lalo na ang mga galing sa ibang lugar sa mga pook pasyalan kabilang na ang Callao Caves tourist zone, Tawi River, Pinacanauan River, Cagayan River, at mga beach sa Sta. Ana, Claveria, Gonzaga, at Ballesteros.

Ayon kay Police Regional Director Rodrigo P. de Gracia nagpakalat ito ng mga tourist police sa mga lugar kung saan inaasahang taunang dinadagsa ng mga turista tuwing Mahal na Araw maliban sa mga nakatalaga sa mga iglesiya.

Ayon kay De Gracia, hanggang sa Araw ng Kagitingan ay magbabantay ang mga kapulisan sa mga lugar na maaring puntahan ng mga mamamayan. Maging sa mga istasyon ng bus at paliparan ay hinigpitan din ang seguridad.

Sa mga lokal na pamahalaan naman, isinabak ang mga rescue team members sa pagbabantay ng mga lugar lalo na sa mga ilog na pinupuntahan ng mga mamayan dahil sa mga naiuulat na kaso ng pagkalunod.

Umaasa ang kapulisan at mga lokal na opisyal na magiging maayos ang pagdaraos ng mahal na araw kasabay din ng pamamasyal ng bawat pamilya. (TCB/OTB-PIA 2)
0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
1,299
views
share
like
posted
6-Apr-2012
ugnayan © 2014
online: 
1 connected users and 35 visitors